Rosas Lyrics – Nica Del Rosario

Rosas Lyrics by Nica Del Rosario ft. Gab Pangilinan is latest Filipino song with music also given by Rap Sanchez. Rosas song lyrics are written by Nica Del Rosario.

Rosas Song Detail

Song Name: Rosas
Singer: Nica Del Rosario, Gab Pangilinan
Composer: Rap Sanchez
Lyrics by: Nica Del Rosario

Rosas Lyrics

 
Huwag kang mabahala
Ikaw ay mahalaga
Hindi kita pababayaan
Hindi tayo naiiba
At sana’y paniwalaan
Na pipiliin ka araw-araw
At alam ko ang aking kaya
Alam ko ang hindi
Alam ko ang kailangan
Upang makapagsilbi
Hangga’t may kabutihan
Hangga’t may pag-ibig
Liwanag ang mananaig
At hindi ko maipapangako
Ang kulay rosas na mundo para sa’yo
At hindi ko maiilawan ang lahat ng anino
Pero sisikapin ko at hindi ako magpapahinga
Hangga’t hindi mo pa magawang
Muling ipagmalaki na ika’y isang pilipino
Huwag kang matatakot
May kasangga ka sa laban na ito
Sabay nating gisingin ang nasyon
At alam ko ang aking kaya
Alam ko ang hindi
Alam ko ang kailangan
Upang makapagsilbi
Hangga’t may kabutihan
Hangga’t may pag-ibig
Liwanag ang mananaig
At hindi ko maipapangako
Ang kulay rosas na mundo para sa’yo
At hindi ko maiilawan ang lahat ng anino
Pero sisikapin ko at hindi ako magpapahinga
Hangga’t hindi mo pa magawang
Muling ipagmalaki na ika’y isang
Pilipinong may pusong sagutin ang tugon
Pilipinong may tapang na muling bumangon
Pilipinong buo ang paninindigan
Alam ang tama at totoo
Samahan mo ako
At hindi ko maipapangako (at hindi ko)
Ang kulay rosas na mundo para sa’yo (kulay rosas)
At hindi ko maiilawan ang lahat ng anino (oh-oh-oh)
Pero sisikapin ko at hindi ako magpapahinga
Hangga’t hindi mo pa magawang
Muling ipagmalaki na ika’y isang
Matatag at matapang at mabuti at mapagmahal na pilipino
Pilipino
Pilipino
Rosas Song Video

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top